Netizen Probes the Story Behind Meralco During Martial Law


#meralco

Eto ang ilan sa mga ebidensya na talagang nakiusap ang mga Lopez kay pangulong Marcos para bilhin ng gobyerno ang Meralco dahil sa mababangkarote na ito noong panahon ng martial law. Binaliktad nila ang katotohanan at pinalabas nila na sapilitan itong kinuha sa kanila nipangulong Marcos.

Noong panahon ni GMA nagkaroon ng senate hearing tungkol sa Meralco dahil sa sobrang taas ng singil nila sa kuryente. Nabuksan ulit doon ang issue tungkol sa sino ang nagmamayari ng Meralco. Madaming mga dokumentong ipinakita si Sen. Enrile na magpapatunay na ang mga Lopez mismo ang humingi ng tulong kay pangulong Marcos para isalba ang nabangkarote nilang kompanya.

Hiniling nila noon kay pangulong Marcos na payagan sila magtaas ng singil sa kuryente pero hindi sila pinayagan dahil alam nyo naman na makamasa si Marcos kaya di nya papahirapan ang mga mamamayang pilipino sa mataas na bayad sa kuryente. Wala silang ibang paraan kundi ipagbili na lamang ito sa gobyerno dahil tiyak na mababangkarote ito.

Noong maupo si Cory ibinalik nya ito sa mga Lopez na wala man lang kapalit dahil pinalabas nila na sapilitan daw itong kihuna ni Marcos at di man lang binayaraan yung bilyong bilyong gastos ng gobyerno sa improvement na ginawa dito.

Gumawa pa nga sila ng pelikula tungkol dito na ang title ay “ESKAPO” para mapaniwala na naman nila ang mga mamamayan na sapilitan ngang inagawaw ng gobyerno ito kapalit ng kalayaan daw ni Genny Lopez. Isipin nyo na lang halos 50 years hinawakan ng mga Lopez ang Meralco pero ng pumutok ang issue na ito sa senado ay bigla na lang nilang ibenenta kay Manny V. Pangilinan.

May mga hawak na dokumento si Enrile na bago pa man mag deklara ng martial law ay humihingi na ito ng tulong sa gobyerno. Eto lang ang logic dito “sa dami ng mga power plant na napagawa ni Marcos sa buong pilipinas kung gugustuhin nya na gumawa ng panibagong electric distribution company sa NCR ay madali nya lang itong magagawa pero dahil sa humingi ng tulong ang mga Lopez na isalba ang kompanya nila kaya ito na lang ang binili ng gobyerno”

Kung nakapagpagawa nga sya ng Bataan Nuclear Power Plant yung distribution company pa kaya di nya magawa?

Ang plano nya ay murang kuryente para sa mga pilipino kaya malabo na pumasok sya sa isang deal na di sigurado tulad ng sinasabi nilang napilitan lang ang mga Lopez. Sadyang mapaglinlang at mapagsamantala lang ang mga Lopez at Aquino kaya ngayon ang sambayang pilipino ay nagdurusa sa pagbabayad ng napakamahal na kuryente isipin nyo na lang na nasa 5 to 7 times ang presyo ng kuryente natin kumpara sa ibang bansa.

Noon madaming pagaaring negosyo ang gobyerno ng bansa natin katulad ng mga Power Plants, Meralco, NAPOCOR, PLDT, PNOC, Petron, NAWASA, MWSS, LWUA, TV stations, PNR, LRT, SLEX, NLEX, BNPP at Philippine Airlines na noon ay pinakamalaking airlines sa Asia.

Sa mga income generating projects na katulad nito nanggagaling ang halos lahat ng panggastos ng gobyerno noon at kahit gaano pa kalaki ang utangin natin sa World Bank ay tiyak mababayaran natin dahil may sariling income ito.

Pero ng pagupo ng mga makadilaw na presidente, ultimo mga public schools at hospitals ay pinagbili nila sa mga oligarchs. Parang naging inutil na ang ating gobyerno na umaasa na lang sa TAX ng taong bayan.

Di pa nakuntento gumawa pa ng batas na VAT na nagpamahal sa mga produkto at nasundan pa ito ng EVAT na lalong nagpahirap sa mga mamamayan. Parang si Juan Tamad na nakahiga at naghihintay na lang malaglag ang bayabas sa bibig nya.

Isipin nyo na lang yung mga sumasahod ng 20k pataas ay parehas lang kay Henry Sy ang percentage ng income TAX na binabayaran. Ang masama pa, ang TAX na pinagpawisan ng ating mga kababayan ay kukurakotin lang ng mga pulitiko.
Salamat kay pangulong DU30 at unti unti nya ng inaayos ang mga kapalpakan na ginawa ng mga nakaraang dilaw na gobyerno.—

#sultanabdulmalikblog

Matagal naman na tayong binulag sa katotohan ng mga nakalipas na administrasyon. At ngayon ng nakahanap na sila ng katapat pilit nila itong winawasak ngunit sa kabila ng kaliwat-kanang pambabatikos lalong lumalabas ang katotohan.

At laking pasasalamat ng nakararami dahil ang mga kasinungalingan ay unti-unti ng naitatama.

Source: ourdailyrevelationsph, facebook

No comments:

Powered by Blogger.